Saturday, June 13, 2015

Ang Alamat ng Dinagat

Ni: Precious Anne Cantaros
 





Noong unang panahon, mayroong dalawang Isla na kilala bilang magkagalit sa isa't isa. Ito ay ang Isla Pu at Isla Marikudo. Kultura, paniniwala, at tradisyon ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng dalawang Isla. Pero bukod pa dun ay may pinakakinaiinisan ang Isla Pu sa Isla Marikudo. Yun ay ang madalas na pagnanakaw ng Isla Marikudo sa kayamanan ng Isla Pu. Kaya madalas nagkakaroon ng alitan at digmaan sa pagitan ng dalawang Isla. Si Haring Samal ang pinuno sa Isla Pu. Kasama ang kanyang dalawang anak na sina Prinsipe Bantugan na panganay at si Prinsipe Bumbaran na bunso na parehong balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit at nagkakagusto sa kanila.

Isang araw, nagtaka ang Hari dahil sa biglaang paglapit ni Kinam na isa sa mga katulong nila kasama ang dalawang Prinsipe at dalawa pang katulong na kapwa nakagapos ang mga kamay. "Bakit, ano ba ang nangyari?" takang tanong ni Haring Samal na agad namang sinagot ni Kinam. "Kamahalan, nahuli namin nina Prinsipe ang dalawang ito na pilit binubuksan at hinahalungkat ang mga bakal na kahon upang kunin at nakawin sana ang mga ginto at kayamanan ninyo doon. Napag-alaman rin po namin na nagkunwari lamang silang mga katulong. Mabuti na lang po at nahuli namin kaagad sila." biglang nakaramdam ng galit ang Hari.
"Sino ang nag-utos sa inyo? Kayo rin ba ay taga Isla Marikudo?!!" sigaw ng Hari sa dalawang babae.
"Pakawalan niyo na kami!"
"Hindi! Hangga't hindi kayo sumagot!"
"Patayin nyo man kami, hinding-hindi namin sasabihin ang totoo."
"Walang nag-utos samin! Parang awa niyo na, pakawalan niyo na kami!!"
"Kasinungalingan!! Hala, sige itapon sa bilangguan ang dalawang 'yan!" galit na utos ng Hari na agad namang sinunod ng dalawang Prinsipe.

Dahil sa galit ay naisipan ng Hari na lusubin ang Isla ng Marikudo. Kaya't naghanda na agad sila at walang anuma'y nilusob ang Isla. Muli ay nagkaroon na naman ng digmaan. Ngunit sa kasamaang palad ay nasaksak ng espada sa tagiliran ang hari na naging sanhi ng pagkamatay nito. Pero bago pa man malagutan ng hininga ang hari ay nangako ang dalawang prinsipe dito na ipaghihiganti siya ng dalawa. Labis ang paghihinagpis nila. Kaya't naisipan nilang dukutin at patayin ang kung sino mang pinuno sa Isla Marikudo. Kinagabihan ay ginawa nga ng dalawang prinsipe ang kanilang balak na paghihiganti. Maingat nilang pinasok ang palasyo ng Marikudo at nang sa wakas ay nakita narin nila ang sinasabing pinuno ay ng Isla ay ito'y kanilang dinukot at dinala sa kanilang Isla upang ikulong at pahirapan bago patayin.

Ngunit nang masilayan ng dalawang prinsipe ang mukha ng kanilang dinukot ay dun lamang nila napagtanto na isa pala itong napakagandang dyosa na siyang pinuno ng Isla Marikudo. Kaya nakiusap si Prinsipe Bumbaran kay Prinsipe Bantugan na pakawalan na lamang ang dyosa. Ngunit hindi sumang-ayon si Prinsipe Bantugan sa desisyon ng kapatid dahil sa kadahilanang nangako sila sa kanilang ama na ipaghihiganti nila ito. Gayun pa man, tutol pa rin si Prinsipe Bumbaran kay Prinsipe Bantugan. Kaya't naisipan ni Prinsipe Bumbaran na itakas na lamang ang dyosa at lumayo sa Isla. Pero, agad na nalaman ni Prinsipe Bantugan ang balak ng kapatid kaya pinakiusapan niya itong huwag ituloy ang balak. At dahil sa pagkamalabuan sa isa't isa at sa hindi pagkakaintindihan ay napilitan silang idaan na lang iyon sa pagtutuos.

Pareho silang malakas ngunit sadyang mas mabilis gumalaw si Prinsipe Bantugan kaya natalo niya ang kanyang kapatid, sa kabila ng maliliit na sugat na kanyang natamo. Lumapit ang dyosa kay prinsipe Bantugan at nakiusap na patayin narin lang siya upang matapos na ang lahat. Ngunit sa halip na patayin ang dyosa ay tinapon nito ang kanyang espada at sinabing hindi niya ito kayang patayin. Doon niya lamang napagtantong, katulad ng kanyang kapatid ay nahulog narin pala siya sa diyosa noong una niyang masilayan ang nakakabighaning ganda nito.

Kaya tinanong ng prinsipe kung gusto ba ng dyosang mamuhay ng matiwasay kasama siya, na sanhi naman ng pagguhit ng mga ngiti sa labi niya. Dahil inaamin rin nito sa kanyang sarili na noong una niyang nakita si prinsipe Bantugan ay nahulog na agad siya rito. Kaya simula noon ay nagkaisa na ang dalawang Isla at si prinsipe Bantugan at dyosa Mayari ay namuhay ng mapayapa at matiwasay. Hanggang sa ang Isla ngayon ay tinatawag nang Isla ng Dinagat.


No comments:

Post a Comment

How to answer the argument "The Bible is only created by humans."

Below is a knowledge humbly given to me by God on how to answer the argument, "The Bible is only created by humans." Please feel f...